August 16, 2016

"Sinayang"




Winaldas mong parang pera
ang ating pagsasama
Parang bula
biglang naglaho

Parang halamang
dagling nalanta
Walang kulay
tuyo na pagsasama

Ni hindi man lang nanlumo
di man lumingon
Ni magpaalam,
hindi mo nagawa

Ngayo’y nandito ako
sa iyong harapan
Na nagsasabing
Paalam , aking kaibigan.




"No FRIENDSHIP is an ACCIDENT."

Comments

Popular posts from this blog

October 18, 2017